Ano Na Ang Uso?

image of a post-it announcing updates

Ano na ang mga huling kaganapan?/ tagalogonlinepocketbook.com

 

… So, fast forward na tayo sa kasalukuyang uso na ang salitang cougar, pag nagsulat ka sa internet ay unang hihimay-himayin ng mga nagbabasa ang iyong preference at orientation at matagal nang byword ang salitang update na pumapatungkol madalas sa kung nakailan ka na at kung ikaw ba’y nakarami, ha, ha… Ng kung ano, di malinaw.

Di tulad noong ang uso pa ay ang magrenta ng komiks, makukulit ang mga nagbabasa sa ngayon. Hindi lang sila nakikibasa ng libre sa iyong sinulat kundi ookray-okrayin ka pa bilang kapalit. Lalo na iyong mga mambabasang nagsusulat din at magagaling naman, parating gustong mag-breaking news tungkol sa mga kapwa nagsusulat, ha,ha. Para silang may lens na sumasalamin sa future, ang lalakas ng kanilang loob. Sana, ganyan din ako.

Sa ngayon, isa na akong lipas sa kalendaryong nagsusulat. Dito at pati sa totoong buhay. Dati, matapang din naman ako, parang ‘yong bloggers sa ngayon, ahaha. Ganyan din ako i-describe ng mga tao noon. Over the years, nabawasan na ng husto ang sigla at kakulitang sabi ay nakaka-attract daw sa mga tao. Na-tame na ng real encounters, kumbaga. Natabas at pumusyaw doon sa mga lugar at sitwasyong madalas ay ang taas ng traffic ng mga tao at mga salita. Mga salitang standardized, packaged at sabi’y palabas lamang. Showbiz, ‘yon ang tawag. Sabi naman ng iba, lingos daw ‘yon – jargons. Kasali rin ako doon – bilang producer at consumer, naman.

Bumili rin ako dati ng Palm Top, personal laptop at nag-subscribe sa internet noong dial-up pa ang technology, ha,ha… Madalas ako rating manood ng primiere sa mga sinehan, plays at musicals sa CCP at sa RCBC Plaza at ilang taon ding madalas sa mga bagong bukas na medyo mamahaling kainan.

image of a cellphone with capability to download itunes

Makabago na ang mga gadget at plataporma ng musika/ nobelbiocare.com

Itong sa ngayon ang hindi na ako gaanong sumasabay. Kailan ba nag-umpisa ‘yon? Noon sigurong mauso na ang broadband technology. Kapatid ko na ang bumayad ng ganyan sa bahay. Siya rin itong updated sa digicam-digicam. Sa social networking na tinatawag, hanggang Friendster lang ang aking inabot. Iginawa ako ng kapatid ko ng account na ni hindi ko nilagyan ng picture, haha. May walo ako roong Friends – tatlong friends at dalawang kapatid at tatlong pamangkin. Ahaha, oks ba?

Masasabi kong generally, hindi na ako kasabay sa mga usong social media, sari-saring gadgets at mabilisang pagpapalit ng mga impormasyon, bagay at tao. Hindi ako nagsa-shopping online dahil hindi ako gumagamit ng credit card – hindi ko ‘yan sinubukan. Hanggang checking account lang ako. Ha,ha, sinauna talaga. Over-all, mas sanay pa rin ako sa basic sa isang mundong tila pinatatakbo na ng mga overlapping na kawad at sinulid.

Lima pa rin lang ang kantang alam ko, both music and lyrics, ngayong uso na ang downloads at itunes. Iyon pa rin ang tanong ng aking kapatid pag naririnig niya akong nagha-hum, “Teka, kasama ba iyan doon sa lima?” Hindi pa rin niya alam hanggang sa ngayon kung alin iyong lima…

 

8 thoughts on “Ano Na Ang Uso?

  1. malamig sa mata ang lay-out mo, in fairness. equally informative din sya sa site mo dati.. at nakaka-enjoy din magbasa.. good job againπŸ™‚

    uso? hmmm hindi din naman ako nasabay sa uso.. feeling ko kasi saglit lang naman yun at mawawala din.. yung facebook ako na yata yung huling nag-open ng account sa mga kakilala ko at sapilitan pa.. hehe.. sa gadgets naman, other than iphone4s, un lang nman ang sa tingin ko mejo updated ng konti, yung iba basics lang din like digicam, laptop, etc. sa damit, ah lalong hindi ako nasabay sa uso.. kung san lang ako komportable yun ang sinusuot ko.. pero just the same, it doesn’t make me a lesser person kung hindi man ako kasabay sa mga bago ngayon.. lalo na materially speaking di ba?

    musta ka today? off kami ngayon kaya swimming at badminton kami ni Manong mamaya.. hope you enjoy the day and this weekend, too!πŸ™‚

  2. hello, mrs greenbellpepper, salamat sa pagkaligaw at sa pagbabasa. ah, ito ang isa sa pinakabagong libreng theme sa w.p., nagustuhan mo? teynks!

    hala, kanya-kanyang generation yata ‘yan. yong mga nauna, di gaanong hooked up sa techie-techie habang ang mga mas bata, doon naman sila at home sa mga pindot-pindot, hehe… sa camera, ke analog or digicam, boplaks ako. di ako marunong humawak ng tama at mag-manipulate ng features, patatawarin. gusto ko pa naman dating mag-photography, ang ambisyosa lang! eniwey, kinalimutan ko na muna ‘yon, haha.

    luma lang ang cellphone na gamit ko pero i have nothing against iphone, ganda nga? damit? hindi na ako masyadong nagbibili pero dati, naging bisyo ko rin, haha. mahirap sumabay sa uso, ang mamahal. tapos, paglingon mo, may bago na agad uli.

    hala, inggit ako. ang tagal ko nang di nagba-badminton, walang makalaban… hmmn…marami kaming kaproblemahan. :c salamat uli sa pangungumusta and you two have a fun weekend!πŸ™‚πŸ™‚

  3. πŸ™‚ Hindi naman kabawasan sa pagkatao kung di ka ‘in’ diba? Ganito rin po ako. Kung ano ang gusto kong gamitin ay yun ang sa tingin kong ok sa kin at komportable ako. Ok lang yan!

    • hello, ineng,

      pasensya na sa late na reply… :-<

      hmnn, hindi naman… i guess it has more to do with a person's capacity to keep up – pag mas maraming sobrang pera, mas gastador, haha! – and also, his or her upbringing din.

      ang sa'kin kasi, nasanay akong basta serviceable pa ang isang gamit, ginagamit ko pa. tapos, nagpapa-repair din ako ng shoes, payong and electric fans, haha. maski ang mga kasambahay ko, mahilig sa dispose agad ng dispose ng gamit…

      at saka, pati friends ko, sanay na di ako updated sa uso, ahaha. pag sobrang shabby na, ayon, nagpapalit din naman. saka, medyo hirap kami when growing up so, di maiiwasan to remember the hard times – make best use of things, kumbaga… kumusta ka?πŸ™‚

  4. ok ang kung di makasabay sa uso, pero ako kelangan kong gawin yun para naman makasabay sa dalaginding ko. ganun na kasi ang paraan para mas mapanatili ninyo ang closeness nyo bilang mag-ina, at para na rin nagagabayan ko pa rin siya nang tama. hindi masyadong istrikto pero di rin naman masyadong maluwag. yung tama lang. at kasabay nga nito ang pag-alam sa kung anong uso.

    • ah, ako, mas praktikal na siguro ang konsiderasyon – mahal sumunod at sumabay sa uso. parati kasing may bago at ang bilis. hindi masyadong makasabay ang reflex at bulsa, ahaha. saka, ano rin, as one ages siguro, hindi na gano’n ka-importante ang mag-conform ng husto. pero dumaan din ako sa nakikiuso, naman…

      ah, okey lang ‘yon, sabayan mo ang dalaginding mo at nang di ka ma-off, haha. πŸ™‚

    • ayon, nakiki-blog din. ay, makwento naman ako so, may maiilaman kahit paano sa blog, haha. ^^

      hala, akala mo lang yown, kapatid. ^^ hindi ako ma-tsismis na tao sa totoong buhay. am always the last one to know – pag di ako kukwentuhan directly noong taong concerned, di ko nalalaman ang tsismis maski pa buong neighborhood and bayan na ang nakakaalam, as in.. ^^ makwento lang ako at minsa’y kinukwentuhan din ng mga tao but not ma-tsismis. ewan ko ba’t hindi. di siguro ako komportable. ayon… ^^πŸ˜‰

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s