Romantiko at Hindi

 

… Si romantikong six-footer, ang tanging naging kakumpetensya sa pinakaromantikong paraan ng panliligaw ay isang promding di-kagwapuhan pero malambing din at artistic. Sa probinsya siya naka-base at doon ko siya na-meet sa isang out-of-town na lakad.

Iba naman ang the moves nito. Tumatawag siya sa opisina namin sa Maynila tuwing impunto alas-sais ng gabi sa ganitong araw kada linggo at nagpapadala ng grocery every two weeks, ha, ha… Ang kulit lang, grocery, as in… ย Hindi rin naging kami nitong taong itong napaka-thoughtful at sweet kung manligaw.

 

Anong klase raw ba ang hinahanap ko? Ang duda ko ay iyong taong kaya akong patahimikin sa isang tingin lang. At may na-meet na akong ganitong tipo dati pero pinalampas ko. Taga-lay-out siya ng brochure at iba pang materials sa isang lumang printing press. Messenger yata namin ang nag-rekomenda, doon na kami magpagawa ng material.

 

image of an old printing press with attached computer

Sa computer na noon ginagawa ang lay-out pero luma pa ang press na gamit/ ohgizmo.com

 

Mas bata ito sa akin ng dalawang taon, working student daw sya at nasa third year pa lang noon. Ako nama’y graduate na at medyo matagal nang nag-oopisina. Nakakabili na ako noon ng maganda-gandang blazer at nagpi-feeling-feelingang ayus-ayos na rin naman ang mga nangyari sa aking buhay. Noon ko siya nakita. Ilang beses lang, tatlo yata.

Naku, hindi sya gwapo pero hindi naman pangit. Natakot ako noon, bibihira ang taong nakakapagpatahimik sa akin. Mas marami sa mga nanligaw sa akin, kung hindi gwapo, very presentable. Ang mga iyon sa wari ko ay nalinlang sa aking pananalita. Narinig nila ang aking ide-ideas at doon sila namangha, ahaha. Saka, payat pa raw ako noon kaya kung ilan din yaong mga nagbitbit ng bag ko kahit kaya ko naman, nagpadala ng kasoy at mangga at meron ding mga kumawit ng aking bewang kahit hindi pa naman nila ako girlfriend. Nalinlang ang mga ‘yon, nabola ‘ika nga.

 

Itong si magli-lay out, hindi nalinlang o natakot sa aking presence. Hindi ko rin nabola. Mr. No Nonsense sya, pambihira. Kaya nya akong patahimikin sa tingin lang, pramis. Kaya ayon, ako ang natakot. Bago pa mangyari ang aking kinatatakutan, ginawan ko na ng paraan para hindi ako mabulid sa bangin. Simple lang, ‘yong boylet ko na sa opisina ang pinapunta ko sa printing press. Gaga nga ako, nasabi ko na ba ‘yon?…

 

8 thoughts on “Romantiko at Hindi

  1. awwwwwww! baket mo naman kasi pinakawalan? pero bakit di ka rin niya hinanap? yang mga lalaking yan talaga.

    may kilala ako. gwapo rin siya, malambing, magaling mambola at kaya rin magpatahimik ng babae sa isang tingin lang. palibhasa maganda ang mga mata nya. (o ha!) pero hinayaan niya yung babae na mawala sa kanya. saka niya hinanap makalipas ang ilang taon kung kelan may minamahal na yung babae. ayun, hindi sila ang nagkatuluyan pero pareho silang masaya sa kani-kanilang pamilya. hehehe๐Ÿ™‚

    kwento ka pa ng mga ganitong kwento hihi!

    • hihihi, aliw ang reakyon mo, ate kaye… sinabi ko na, da ba? natakot me. hindi ako sanay na gano’n. parang ang lalim ng attraction tapos, ramdam kong kayang-kaya nya ako, hihi… ^^

      hindi nya ako hinanap kasi siguro, naalangan din. mas matanda ako tapos that time, bihis na bihis ako lagi. tapos, poorer pa sya sa ‘kin… siguro rin, hindi pa naman hinog, kumbaga. baka hindi pa sya that into me talaga, baka ako lang sa kanya, haha.

      o, sige, eto ibubulong ko, whehehe…๐Ÿ™‚

  2. eeee…nakangiti talaga ako habang nagbabasa ng mga sagot mo sa mga kakulitan ko dito. hehehe!

    ang dami ko pang babalikan. pag mas marami ulit akong time susunud-sunurin ko ulit. hehehe๐Ÿ™‚ mwah!

    • hala, kapatid. kasi, sa babae, iba… once nag-decide na pumasok sa universe ng another person, usually, ini-a-adjust nya lahat. tapos, hindi rin basta-basta nakakalabas. at least, not as easily as men do – when coming in and getting out sa universe ng isang tao. ahihi, yaon po ang paliwanag…๐Ÿ˜‰

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s