Hindi Sumuko

 

an image of courtship in ancient times

Ang nais ng nanliligaw ay pasukuin ang damdamin ng nililigawan/ paintinghere.com

 

… Naging kami ba nitong romantikong mamang ito? Hindi. Ikinalulungkot ko, brothers and sisters… Bata pa ako ng mga panahong iyon at di gaya sa kasalukuyan, ang alam ko ay nakakaramdam pa naman ako noon. Kaya lang… kaya lang, noo’y tahimik pang nanaghoy ang puso kong ipinagpalit sa iba, kai-kailan lang. Ipinagpalit nang di raw sinasadya, ha, ha.

Kaya hindi nasungkit ng pangalawang matangkad sa buhay ko ang pihikan kong puso. At di tulad ng unang pagsuyo – ng unang matangkad na lalaking nagpabilis ng pintig ng aking pulso sa papungay-pungay ng mata at payakap-yakap – hindi si singer-songwriter naka-first base man lang. Malupit siguro akong tao, tingin ko.

Noong magkita kami four years matapos ang panahon ng kanyang panliligaw, masuyo’t mabait pa rin siya. Kalog pa rin. Wala pa rin daw siyang asawa pero mayroon siya noong girlfriend. Ang lambing ng pagkakasabi nyang, “Ikaw, kasi..,” napangiti ako.

Sa mga kaibigan ko lang ako usually nagkukwento ng mga bagay na personal. At ang mga kaibigan ko noon, sila ang kinikilig tuwing may next installment ang kwentong ito. Noong sumuko na itong si Mr. Romantic – dahil ang dami na nga naman nyang efforts gayong ako’y wala namang isinusuko o ipinahihiwatig man lang – series din ang panggigisang nakuha ko sa mga kaibigan ko. “Ano ka ba, sayang ‘yon? Hindi pinapalampas ang mga gano’n, gaga!”

So, ‘yon, gaga nga ako. Malamang, noon pa ma’y alam na ng mga kaibigan ko kung anong karakter meron dito. Hindi ako nanghihinayang, hindi ko pinagsisisihang hindi naging kami. Pero, hindi ko rin nalilimutang may lugar siya sa pagkatao ko. Ang premise ay tao rin naman ako, iba lang siguro ang yari ng puso.

Hindi ko ito ikinukwento para siya ay ipahiya kundi para sakaling ganoon nga kamakapangyarihan ang internet, malaman nyang napansin ko siya at ang mga paghihirap nya noon. Nagkataon lang na slow ako at hindi ko pa kayang mag-accomodate ng bago habang hindi pa naluluma ang pagkabigong unang nagpaiyak sa akin…

 

4 thoughts on “Hindi Sumuko

  1. hindi naman kasi pwedeng madaliin ang paglimot. kahit naman yung istorya namin ni Bong, ang tagal bago nagtugma. may mga panahong hindi ako handa,. may mga panahong siya naman ang di handa. pero naniniwala talga ako na kapag ginusto na ni Lord, kahit anong pagiwas ninyo, sa inyo talga yun mapupunta. God’s timing is perfect, ika nga.🙂

    pero sana lang meron din ngayong nagpapatibok ng puso mo…

    • hah, gano’n, matagal talagang makalimot? shaks, kaya pala napepeste ako kung minsan nyang mga alaalang ganyan, as in… hahaha. btw, noong time kasing ‘yon, bukod nga sa broken-hearted ako at unang beses, maraming ibang sumusuyo sa akin. so, hindi ko na-seryoso ang panliligaw nitong mamang matangkad. ayon…^^

      haha, salamat. that would be the day, kaye. that would be the day… sana nga.🙂

    • kailangan talaga, may susuko, agree ako. ‘yon lang, kailangan din ata, mahusay ang strategy ng conqueror, hihi. basa nya dapat ang sitwasyon, as in… btw, ikaw na ang nagba-backread, haha. salamat, Cup.😉

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s