Aawitan Kita

image of a drum set, guitar and speakers set-up on a stage

Nag-concert ang grupo nila nang isa lang ang audience/ beatlesstorelondon.co.uk

 

…  Doon sa building namin, may kakutsaba itong si mamang matangkad na dalawang batang pinagdadala nya sa akin ng Coke. Dalawang beses ‘yon sa isang linggo, pag oras ng meryenda. Tapos, pag may invitations sa abroad ang cultural group nya, lagi syang may pasalubong sa akin.

Madalas noon, pagdating ko sa office, may nakapatong nang kung ano sa desk ko – t-shirt, trinket, knick-knacks – nakabalot lagi ‘yon sa dyaryo.  Ako na ang maiksi ng buhok na mahaba ang hair, ha, ha…Masuyo ang taong ito, gentleman na medyo bastos at binata na sya. Anim na taon ang aming pagitan.

 

image of a vendor and her flowers outside a church in the Philippines

Hindi siya nagbibigay ng bulaklak, nagpi-prisintang magnanakaw sya nito/ pinaylighterside.com

Sa mga nanligaw sa akin, siya ‘yong matiyaga sa hatid-hatid. Pag nakikita nya ako noong palabas na ng opisina – at madalas ay natityempuhan nya dahil one-third yata ng mga tao sa building ay kinutsaba nya – takbo na sya para sabayan ako. Malapit sa building, may simbahan. Sa labas noon, may nagtitinda, siyempre, ng mga bulaklak, kandila at palaspas. Pag naglalakad na kami, ang sabi nya, “Gusto mo, inanakaw kita ng bulaklak?” Ahaha, sweet sya, as in…  At may ideya na siguro kayo kung gaano kahirap tunawin ang puso kong bato.

 

Punta na tayo sa kwentong harana. Isang araw, makapananghalian, papasok ako sa building na niluma na ng panahon, may babaeng sumalubong sa akin. Akyat daw ako sa rooftop. Sinamahan nya ako sa opis naming bulok (ha, ha) para ibaba ang aking mga gamit at dinala nya ako sa itaas ng gusali.  Pagdating ko ro’n, kakaunti lang ang tao. Ang alam ko, mas mataas ang traffic ng tao sa bandang itaas ng building kaysa sa doon sa amin sa second floor. Iyon pala… Iyon pala, talagang pinaalis ang mga tao. Ahaha, oks ba?

Tapos, may drum set at speakers sa unahan. Pinaupo akong parang bisita bago nag-assemble ang buong cultural group at nag-perform. Limang kanta ang kanilang ini-render, isang buong repertoire, bale. Habang nagpi-perform, nagbi-beam ang mata nitong si vocalist, panay ang pa-cute. Oks naman. Cute naman syang tingnan maski malaki, ha, ha… Ako lang ang audience. Affectedme much, naman! Umabot rin sa EDSA ang buhok ko noon at malamang ay sumampay pa sa mga dyip, ha, ha….

 

4 thoughts on “Aawitan Kita

  1. wowww! nakakatuwa naman. ang pamilyar ng ganitong eksena may kaunting pagkakaiba lang nga, sa ginawa ni Bong para sa akin kamakailan lamang. nakakaaliw ang konsyertong ikaw lang ang audience ano? yung ginawa ni bong, isang kanta lang pero damang dama ko yung sincerity, yun naman ang mahalaga.🙂

    hindi ka ba naiyak? ako kasi parang balon sa lalim ang pinanggagalingan ng luha ko nung mga oras na yun. kahit gusto ko hindi matapos tapos ang iyak ko. haahahaha!

    nakakahaba talaga ng hair kahit na ang recollection ko talaga sayo e maikli ang buhok mo pero magandang maganda ang mga mata🙂

    • Oo, artistic sya, parang si Bongski mo. kailangan may drama ang pagpapaabot ng damdamin, hihi. nakakataba ng atay at puso ang gano’ng harana, maski sa may pusong batong gaya ko, haha. kumbaga, the person went all that way, para sa ‘yo, yehey… ^^

      hindi naman ako naiyak kasi, wala naman nga kaming relasyon, di ba? pero, hindi ako nakapag-salita noong una. i was taken aback, naman… eh, ikaw, crayola ka lang, labidude mo naman ang naghandog sa ‘yo, hahaha. sweet si bong, kainaman…🙂

      salamat. hala, hwag mong ipamalita, may magko-contest nyan, ahihi….🙂

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s