Kwentong Ligaw

image of a young man serenading a young woman

Masarap ang suyuin sa pamamagitan ng harana/ radkat23.deviantart.com

 

Dito ko na naranasang haranahin sa Maynila. Pawala na kasi noon ang tradisyon ng harana sa lugar namin sa probinsya. Tatlong beses yata ako nakaranas maharana. Ano ang feeling? Masarap. Nakaka-flatter. Oo, maski sa totoong buhay, malayung-malayo ako roon sa sinasabing dainty, demure Filipina, rosy cheeks, brown eyes and dark hair.

Plain ako, medyo matangkad at mataas ang pares ng kilay. Ha,ha… maigi na siguro yong ngayon pa lang, alam nyo na ang itsura ko para malinaw. Bihira akong mapagkamalang babae, haha… Pero minsan, may mga nauuto rin at ika nga’y nag-aalay ng kung ano sa aking mapanuring mga kilay. Gaya nitong si six-footer na ikukwento ko sa inyo ngayon. Pangalawa syang six-footer sa buhay kong ewan.

Third year law student sya noon (magkaiba kami ng universities), mahusay maggitara at may itsura. Palabiro, cool ang personality at marunong kumanta. Vocalist siya ng isang cultural group na ang opisina at studio ay sa rooftop ng magigiba nang building na pinagtatrabahuhan ko noon. Ang unang ginawa ng mokong ay magpadala sa akin sa campus ng sulat na nakatupi ng pagkaliit-liit – maliit pa sa piso.

Ang laman ng sulat ay declaration of intent -kung paano ko raw sya nabighani, ha,ha at kung okey lang daw bang manligaw. Ang kakaiba sa liham na ‘yon, walang capital letters (e.e. cummings, ikaw ba ‘yan?) at wala maski isang punctuation. As in, wala. Hanep sa diskarte. Napasusmaryosep ang puso kong sa umpisa pa lang yata, yari na sa bato.

Ang mas malaking puzzle sa akin noon, papaano nya naiparating sa akin ang sulat. Ang nagbigay sa akin noon ay isang first year na taga-ibang college. Kuya nya raw ang nagpapabigay. Ang kuya nya, iba rin ang school. Hindi ko kilala itong si girl at hindi rin siya kilala ng mga kaibigan at orgmates ko. Ni sa hinagap ay wala pa noong Facebook, DOS pa ang system na nagpapaandar sa mga computer at berde pa ang screen ng monitor, haha.

Bale, mukhang hinanap ako sa talahiban ng batang iyon, istrikto siguro ang bilin ni Kuya. Katagalan, malalaman kong nagkakasama pala si six-footer at itong si Kuya sa jammings sa underground music scene.  Kaya ayon ang the moves nitong mamang matangkad. Siya na ang may element of surprise at magaling magpapansin, ha, ha…

 

4 thoughts on “Kwentong Ligaw

  1. awww..pero ako na ang magsasabing maganda ka talaga! hindi yan bola noh. wala namang hindi maganda ang mukha sa inyong magkakapatid. kahit naman si mommy e maganda rin di ba. kaya hindi nakapagtatakang may mainlab sayo. pero ang tanong, hindi mo ba siya nagustuhan dahil di mo lang siya talaga type o dahil sa walang punctuation at parang si e.e. cummings lang kung sumulat? tumutula rin ba?

    pero ang sweet nya kasi sinulatan ka pa at nagtanong kung pwedeng manligaw. sa ngayon kasi di na uso yan. ang mas uso, yung babae na ang nanliligaw. haha!

    • hello, kaye… salamat at parati kang may subjective feeling na maganda ang aming lahi, ahaha. weh, nabola ko lang ‘yon… gan’to kasi, sya noon ay mukhang binata na habang ang beauty ko ay neneng pa, as in. ah, points nga sa kanya ‘yong sulat na kakaiba. alam ko namang marunong sya ng sentence construction at punctuation, nasa law school, eh…

      sweet sya, oo. nagko-compose sya ng mga kanta. saka he treated me like a lady, kumbaga, maski para naman akong lad, haha. ah, hindi ko masyadong gets ‘yong sa ngayong mas babae pa ang aggressive, hihi… ^^ 🙂

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s