Doon Po sa Amin, balik-tanaw – mga kwento at tulang pumapag-ibig

 

Mga kapatid, ang haba na ng litanya tungkol sa DPSA, pansin nyo rin? Ahaha, pagbigyan nyo na, ikalawang anibersaryo nga sana nitong site noong ika-27 ng Agosto, 2012… Anyway, we’re getting to the good partwink-wink… Bali-balita, interesado ang iba sa inyo – bakit at paano na-come up ang posts na tungkol sa dyaskeng pag-ibig. Na wala naman, hihi…  Alam ko, gusto nyo sana, meron nga… Sabagay, mas masaya pag totoong meron… Ayon lang, mahigit dalawang taon na yatang di nakakapaghulog ng coins  sa wishing well;)

 

Image of clouds with a heart shape space in between

Ang umiibig raw ay nakakakita ng signs ng pag-ibig kahit saan/ people.tribe.net

Sa mga ka-blogs na sa SSA na nakabasa ng mga sanaysay at tula ng inyong lingkod ukol sa pag-ibig, ipapaalam ko,  sa DPSA nag-umpisa ang mga sulating himig nakakakilig… Sa ka-blogs namang mga pira-pirasong tsismis o pambabalahura na lang ang naririnig, ‘yaan nyong sabihin ko – hindi ganyan ka-bagsik ang lola nyo, haha. Salamat and sincerely, I don’t deserve those mean and nasty gossips  wild speculations… Pale na pale ang departamentong yan, naman…

 

Sabi ko sa naunang posts, at sa About Page, nakakauto rin naman… Yon lang, hindi malakas ang loob ng lola nyo. Mahina ang inyong lingkod sa usapang claim, maski ipagtanong nyo pa… At sa larangan ng pag-ibig, importante raw ‘yon, sabi-sabi. Basta, ang masasabi ko sa mga nang-ookray, be kind, mga kapatid… Ikalawa, i-invoke ko rin minsan ang walang-basagan-ng-trip provisionwith matching pa-cute na expression, whehehe.

 

Sa circle of friends kong 10 years and above oldermeron kaming dakilang matchmaker, haha. Si Nanay, tawag namin sa kanya. Naku, matagal na sya sa role ng pagtitiyap at pagtutuwang ng mga tao. Dependable and credible sya sa papel na ‘yon, ahaha. Tapos ang nakakatuwa, siya mismo, ang tagal bago nakapag-asawa – late 30s na o 40 na baga? Oo, pero nagkaanak pa sya, ha? Anyway, pag nakikita nya kaming nasa listahan nya ng seemingly hopeless or basket cases, alaga nya kaming “pakitaan ng malasakit,” siyempre…

Siya ang tipong well-meaning at good-natured na tao So, ang hirap umiwas, hehe. Ang tanong nya lagi, “Ano bang criteria mo? E, di sagot naman ako, “Iyong well-read with a big heart.” Wika naman nya pabalik, “Pwedeng isa na lang do’n? ‘Yang well-read, marami akong kakilala…” Lahat daw ‘atang kilala nyang with a big heart, taken na. Ang saya lang… Siya rin ang pamilyar sa lahat yata ng pinaka-kakaiba at pinaka-weird na sitwasyon ng pag-iibigan – kakabilib lang… Minsan, wish naming magka-lovelife para mapasaya lang si Nanay, ahihi…

 

Naikwento ko sa Kayo po ang pipili, nang nag-blog, matagal ko nang naisilid sa baul ang alam sa pagtula. Puro essays ang naunang posts. Kunsabagay, iyon ang mas gamay kong anyo ng panulat. Ang unang love post sa DPSA ay fiction essay – experimental - ang Minsan, dumating ka sa buhay ko. Nag-backread ako noon sa sites ng tatlong ka-blogs at naisip ko, magsulat din ng kahawig. Nakigaya, sa ka-blogs na puma-pag-ibig, ahaha…

Nang mailathala, sabi ng Stats, marami ang bloggers na nagbasa. Based nga pala  sa Les Miserables ang plot ng Minsan - ang kwento ni di-inaasahang pagtatagpong di-malilimutan  o serendipity. Ginawan ko rin ito noon ng tulang version – ang Matay Ko Man – dito na sa SSA inilathala. Itong tula, di karamihan ang views…

Ang Les Mis, isa sa early reads ko pagtuntong sa KamaynilaanSa mga nagbasa rin nito, napansin nyo marahil na karamihan sa mga nangyari sa akda, based on chance… Ang laki ng papel ng tsansa – mabuti man o masama ang turn of events. Kaya siya romantic work at kaya kako, dati pa – ang Les Miserables, isa sa pinakaromantikong nobelang naisulat. Malinaw sa nobelang man or the human being is helpless before his conditions, be they societal impositions or love situations. Ayon…

 

Para ma-situate ang literary context ng mga sulatin ng inyong lingkod, ipaalam kong may panitikang infused sa mga sulatin ng lola nyo, marami-rami… Partikular sa tinaguriang romantic literature na Western… Sa ikatlo yatang parte ng buhay ng lola nyo rito, ginugol sa pagbabasa.  Ahaha, naipaliwanag na rin ba kung ba’t hindi maunlad ang lovelife? ;) Sa pagba-blog, isa yaan sa mga nais kong mai-unload o ‘ika nga, mai-share... ^^

Lahat yata tayo, nagbabasa ng blogs ng iba una, para malibang ng konti. Ikalawa, para may mapulot din naman, sabi natin… Ikatlo, para magkaroon ng light and casual friendhips, along the way – ang maramdaman nating mayroon pa tayong mga kapwang pwedeng makausap at makapalagayang loob… Panghuli, makapag-seal ng ilan sa online interactions natin at magawa silang totoong bahagi ng ating actual na mga buhay at hindi ugnayan sa realm lang ng online and virtual.

 

Halos lahat ng mga naisulat na tula at sanaysay sa usapang pag-ibig – sa DPSA at sa dalawang sites na sumunod – based sa Minsan, dumating ka sa buhay ko… Lalo na ang mga tula? Hango o batay sila sa Minsan, sa tinamaan ng makulit… Ang akala ko rin dati, nagsusulat lang ako ng mga nakakaantig na likha at sa panahong kakaunti ang views mula sa mga katotong bloggers, pumipili ako ng maiilathala para kiligin naman sila – kayo – hehe. Iyon pala, may koneksyon sila sa kauna-unahang akdang ukol sa pag-ibig. Natuklasan ko ito,  Disyembre 2011 – panahong naisara na ang DPSA…

Ang sumunod na lathalain sa paksang pag-ibig sa DPSA, ang Nanliligaw sa Tanghali, tungkol sa lupakan sa nayon, 30 taon ang nakakaraan. Comedy piece ito – kwento sa lumang paraan ng ligawan sa rural areas at pang-o-okray sa mga ate kong nililigawan ng mga kabinataan sa amin noon. May talakayan sa ideya ng pag-ibig… Pero, mas lamang sa sulatin ang portrayal of ways in the barrio – from the point of view ng isang siyam na taong bata. Satire piece ang Nanliligaw sa Tanghali.

 

poster saying that love should be expressed

Kailangang ipahayag ang pagmamahal bago mahuli ang lahat/ desicomments.com

Kasunod na naisulat at inilathala, ang Kung Tapos Na ang Lahat..tungkol sa isang relasyong natapos ng may panghihinayang. Lathalain itong masidhi ang damdamin, ‘ika nga. Layon ng sumulat – ang mahawakan ng mahigpit ang atensyon ng mga babasa, ang maipakitang ang pag-ibig ay isang strong emotion at ang mga naliligaw, napapatid at nangangahas banda rito – daraan at daraan sa malalim na yugto ng pagdurusa…

 

Ang tanong ng ibang ka-blogs – kung may nagdudulot ba ng ganoong sakit sa lola nyo nang mga panahong iyon at kung sino – haha – sa suspetsang ka-blog ang may gawa… Ang cute ng allegation, feeling ko tuloy – effective ang panulat, peace… Hala pa, nagdaan din ako sa ganoong sitwasyon – pero hindi nang panahong isunulat o inilathala ang Kung Tapos na ang Lahat…

Ang nasabing akda ay isa ring experiment . Ang sinusubukan doon, voice and dramatic techniqueSecond person ang ginamit na boses sa panulat – may lalaking nagle-lecture ukol sa pagkakataong sinayang. Sa biglang basa, tila ang audience ang sinasabihan niya. Ngunit hindi… May isa pang lalaki sa eksenang siya nyang kinakausap – ang taong nagwaldas ng tsansa sa pag-ibig. In this instance, listening in lamang ang papel ng audience.Wari ko, isa ito sa intricate sa aking mga naisulat – application of technique writing.

 

Mabilis lang itong nagawa, parang kidlat nang dumating ang ideya. Ayon, tatlong gabi at dalawang araw yata akong pagod, kagagawan ng sulatin, haha. Buti na lang, Biyernes nang iyon ay na-conceptualize… Ang original draft  pala ng komposisyon, hindi tungkol sa pag-ibig. Tungkol muna iyon sa messing up chances in life, in general. Bale, revised edition na ang inilathala, nakaangkla na sa sitwasyon ng pag-ibig.

Tatlong minuto naisulat ang unang draft ng sulatin at limang minuto naman ang ginugol, para sa revised draft. Napansin ko, pag strongly-worded ang isang komposisyon, karamihan ng ka-blogs ang expectation, hango agad sa mga nangyayari sa totoong buhay ng nagsusulat sa oras na sinusulat. Sa case ng lola nyo, hindi… Bibihira ang mga sulatin kong may direktang kinalaman sa personal na nangyayari sa buhay sa panahong isinulat, lalo na sa DPSA.

 

Sa kabilang banda, ang blog daw ay personal kaya di maiiwasang hanapin ng ka-blogs ang personal angle sa naisulat. Sa Kung Tapos na ang Lahat.., ang personal siguro, ang expertise ang lola nyo sa pagpapalpak ng mga tsansa sa buhay. Sa totoong buhay, limang beses akong nag-College Algebra habang sa blog, nag-discuss ako ng Algebra na parang may Ph. D. lang naman, lol. ^^

Ilan ang pumupuri sa aking pananagalog, gayong sa totoong buhay, Pilipino ang isa sa subjects na nagpagapang sa akin – elementary hanggang college. Masyado raw nakasinsin ang paragraphs sa mga sulatin sa site, nakakailang… Nakow, gusto kong pakitaan ang ka-blogs ng papers submitted noong araw – ‘yong di na halos makita ang aking mga isinulat, natatakpan na ng ink na pula ni professor? ^^ Haha, real and personal ang kapalpakan, naman…

 

Anyway, nabatid kong marami pala sa ka-blogs, early 20s at sa cyberspace, in ang paksang pag-ibig, sabihin pa… Na-decide ko noon, gawin nang regular feature sa DPSA ang matters of the heart, ayiii… Isinulat ang una sa love post series – ang Ngiti, Ang Magmahal at ang Larawan ng Taong Wala sa Sarili. Sa series, tatlo usually ang ginagawa, magkakasunod…

Nais sanang ipakita – paano pwedeng i-develop ang isang idea – conceptual approach… Ang Ngiti nga pala, ukol sa pagkakaroon ng crush. Haha, o, di ba, ang kulit? Happy naman ang marami sa nakabasa… Ang Magmahal is more serious – ang theories behind love and loving at ang social restraints nito… Ang Larawan, satire piece sa taong nilulukuban ng pag-ibig at ang concept behind - ang taong in love, the last one to know, ang saya lang

 

Ang Larawan ng Taong Wala sa Sarili, hamon sa akin ang pagsulat – Kaya  bang humabi ng isang komposisyong ganoon ka-tricky, ang i-describe ang isang taong in love? Kinaya naman, fortunately. Hindi simbilis ng paggawa ng Ngiti at ng Ang Magmahal… Nakatatlo o apat na upuan yata, bago nabuo ang makulit na piyesa. Ang tricky sa komposisyon, paano pagmukhaing natural at hindi halata ang mga pinagtahian. Ang gusto sanang mangyari noon, palabasing trip-trip lang, alaskahan ba?

 

image of a pen that wrote down the word love

Kaya bang unawain ang pag-ibig sa panulat? / livingincourageonline.com

Pero, tila ako ang pinaglaruan ng panulat, pambihira… Natapos nga ang sulatin at nailathala nang weekend. But the idea did not leave me be, just yet. Tumambay pa sa perimeters ang damuhong paksa… Labintatlong komposisyong ukol sa pag-ibig ang naisulat matapos ang Larawan, naisulat sa loob ng kulang-kulang isang buwan. Wika ko, mga supling sila ng Larawan… Lima yatang poetic na sanaysay ang nauna sa labintatlo – may rhythm and rhyme - pero hindi nakaayos sa paraang pataludtod.

“Mala-tula” ang bansag ko sa kanila.  Habang Wala Ka at Bukas ang mga halimbawa ng mala-tulakapwa nailathala sa DPSA. Ang una, tungkol sa pag-ibig ng isang aleng handang maghintay sa kanyang minamahal. Ang Bukas naman, last tryst –  desperadong pagmamahalan… Dito unang in-introduce ang ideyang “sumpaan sa ilalim ng buwan,” konseptong mapi-feature pa sa mga darating na akda.

Looking backimportante ang mga mala-tulang sanaysay because they signified my transition back to poetry, matapos ang pagkahabang panahon…

 

Pivotal point ang Larawan sa pagsusulat ko at pati na rin  sa totoong buhay. Haha, iyan ang gustong marinig, mga kapatid? So, there – the dog is out… Pero madi-disappoint kayo sa kasunod, haha. Heto uli – hindi ako in love noong iyon ay ma-conceptualize. Ni crush, wala, ang pathetic lang… Kung meron, ipinapangako ko, hindi ko isusulat, hahaha. Siguro naman, maiintindihan nyo bakit hindi, hehe.

At my age, hindi ko na pwedeng gawing excuse ang youth’s inexperience and folly, hindi na paniniwalaan, haha. Isa pa, wiser sa mga personal na relasyon, hindi gaanong nakahayag sa publiko. Basta, alam nyo na rin ‘yon… Anyway, kako, kung may parehong kaganapan sa totoong buhay, di ako gagawa ng post na singkulit ng Larawan.

Pero, dahil sa akdang ito, nakapagsulat ako ng maraming sulatin exploring the different aspects and situations of love. As a writer, importanteng nagawa ko ito, sa wari ko… May mga naging assignments na ako sa formal writing na ganyan – bibigyan ng isang mother issue, kumbaga, tapos ipapasilip sa manunulat ang iba’t ibang aspects ng usapin. Dahil sa Larawan, nakita kong pwede rin palang mai- break down ang isang paksa sa malikhaing pagsusulat .

At gaya nga ng nasabi ko, naipirmi ko ang understanding sa isang bagay – pag-ibig, oo – na matagal kong isinantabi, iniwasan at, may mga punto, kinalimutan… Weird, di ba? Basta, ibinalik sa akin ng blogging ang pagtula at nilinaw naman ng mga sulating pumapag-ibig ang mismong personal concept at pag-intindi ko sa elusive na usapin. Ahaha, saka na ang laitan… ^^

 

So, anyway, ang point – na alam na rin naman ninyo, tingin ko – hindi kailangang in love ang manunulat sa oras na iyon para makasulat tungkol sa pagiging in love. Di kailangang bigo sa panahong nagsusulat para makagawa ng akda o likha ukol sa kabiguan… Na hindi sa direct and ongoing experiences lamang galing ang materials sa pagsusulat, lampas doon…

Ang alam at kasanayan sa isusulat – galing sa mga dating karanasan ng nagsusulat, sa mga karanasan din ng iba, sa mga nabasa at narinig tungkol sa usapin – pag-ibig man o hindi ang paksa. Mas ma-a- apreciate marahil ng ka-blogs ang ganito, habang tumatagal sa pagsusulat…

 

Anyway, di naman pure literary exercise ang mga sulatin ng inyong lola. May halaw din sa totoong buhay… Sa sanaysay na ba’t mo nga ako iniwan?, may kung ilang instances ng iwanang tinalakay. Apat doon – based on real life... Hala pa, kung may interesado (na laitin, hihi), hulaan na lang alin-alin…

 

poster explaining the logic of people coming in and going out of our lives

Sino nga ba ang makapagsasabi? Hawak ba natin?/ weheartit.com

May back-to-back na tula sa DPSA sa post na ang pamagat ay Magkatalikuran. Ang dalawang tula ay ang Huwag Mong Sabihin at ang Gusto Kong Isipin. Kasama sila sa 13 anak ng Larawan. May pagka- exhibitionists na mga piyesa, tila nagsasabi – back in her element na sa pagtula ang manunulat dito…  Ipinapakita sa mga akda ang paggamit ng point of view sa pagsusulat… Punto de bista ng lalaking nang-iwan ang Huwag Mong Sabihin. Punto de bista naman ng babaeng iniwan Ang Gusto Kong Isipin

 

Matagal kong inisip kung ipapaskil ang mga nasabing sulatin. Baka kako, maka-apekto sa ka-blogs na kadaraan lang sa ganoong sitwasyon, isiping itsini-tsismis ko ang istorya nila. Common enough ang sitwasyon sa Magkatalikuran, pero posible pa ring isipin – baka pagpapahiwatig sa kung sino ang mga tula… Wari, risky pa rin ang paglalathala…

 

Ang Nananawagan ang natatandaan kong tulang puma-pag-ibig sa DPSA na magaanQuit playing games with my heart ang underlying theme nito. Wala ritong pinariringgan – ka-blog man o hindi. That time, I simply thought, it is a universal sentiment – kahit sino, ayaw na pinaglalaruan ang kanyang damdamin…

Accidental ang pagkakabuo ng Nananawagan. Sabado yata at may sinusulat ako noong hindi para sa blog, habang ang kapitbahay namin, ang lakas tumawa. Nang sumilip na ako sa bintana para alamin ang dahilan (ba’t ang sarap ng halakhak nya), nakita kong may mga ibong naglalaro sa puddle ng tubig sa garahe… Bigla kanyong nagpatugtog sa may barangay hall ng kantang The End of the World? Ayon, na-extra sila lahat sa tula… Sa palagay ko, ang nasabing akda ang angkop na halimbawa ng pagka-basurera ng lola nyo sa pagsusulat…

 

Anyway, alam ko, oddball ang dating ko rito sa blog. Una, malalalim daw ang ideas na isinusulat, sobrang hahaba ng posts at gayong may-edad na, tumutula-tula pa ukol sa pag-i-pag-ibig na parang bagets lang, ahaha. Papansing blogger ang lola nyo, di ba halata? Sabagay, may ideya akong ang selling point sa mga nagbabasa ng mga tula sa DPSA at maging sa SSA (kung saan mas mataas na ang pitch ng mga komposisyon) ay ang pagiging intense ng mga sulatin. Siyanga?

Ahaha, paano ba? May isang ka-blog na kinwentuhan ko ng aking buhay nito lang. Ang reaction nya, speechless daw siya. Hindi nya raw naisip na pwede palang ganoon ang buhay. Para bang sinasabi nyang my life is too bad to be true. Haha, oo, ‘yun… Ang tapang ko raw, sabi nya. Ang buhay ko raw ay parang sa nobela, masyadong surreal. Siyempre, iwinasto ko sya roon sa sabi nyang ang tapang ng lola nyo rito. Kako sa kanya, dati siguro. Kung ngayon, hindi rin. Hindi na rin… In this sense, may ugnayan ang buhay at mga tula-tula…

 

Pero alam nyo, kung five years ago ako pinasulat ng mga sulatin ukol sa parehong topics sa DPSA at sa SSA, ang laki ng tsansa – wala akong maisusulat. O, kung meron man, malamang, bad poetry and awfully bad prose lang ang makakayanan, as in… Nang time na iyon, ang dami pa ng kulang sa writer’s tools dito… May ilang ka-blogs daw na hilig pagkatuwaan ang “passion,” ng lola dito. Sa akin, option nila yon bilang blogger at risk ko naman, bilang nagsulat at naglathala ng mga akda… ^^

Sakali man ngang pasaway at salbahe ang iniisip ng iba sa inyo tungkol sa nagsusulat dito –  asus, di ko sasawayin. Hindi ako galit at di na rin ako nag-i-stress over it. Nang mga unang panahon, sa DPSA – nagugulat ako, nagtataka bakit kesyo madamdamin ang sinulat, sinasabi agad ng ka-blogs na may ganoon mismong nagaganap sa totoong buhay. O, di kaya, may ka-blog daw na pinahihiwatigan… Nitong mga pahuli, hindi na… Nasasaka-blogs na. Sabi pati, free country raw tayo…

 

Anyway, for the sake of argument – Passionate lover ba pag nakakatula? Ows?…  Ang saya lang isipin, nakakaaliw. Pero, hindi rin… Baka mas makakatiyak pa tayo sa kaskaserong driver, naman. Following that line of argument, five years ago na pahirapan pa rito pagdating sa pagtula, hindi passionate noon? Di nga… Isa pa, paano kung sa papel lang passionate si manunulat? Pwede, di ba? And it seems, even that – being passionate on paper or on keyboard – takes time to mature… Peace.

Lousy raw na mangingibig ang karamihan sa passionate magsulat at poor sa personal relations, sabi… Bali-balita rin lang, ha… At ang mga tao namang may magagandang kaganapan at totoong nakakakilig na kwento sa usapang pag-i-pag-ibig – alinman sa hindi nila inilalathala sa publiko ang karanasan o hindi nila talaga naisusulat – overcome pa sila ng damda-damdamin, ahaha… Ayon ang pagkaalam ko… ^^

 

Dati, pinag-iisipan kong magsulat ng ukol sa topic na desire. Tingin ko, it’s about time that I put down on paper what I think about the matter. And I guess, I am of age to formulate my thoughts on such a delicate subject. Pero noong binalikan ko at tinantya ang pagtanggap ng mga kababayang reader-bloggers sa mga tula pa lang, nasabi ko sa sarili – baka kailangan pang maghintay ng panahon, kailangan pang ma-develop ang maturity sa paksa ng mga babasa. Medyo nagulat ako, in particular, sa responses ng ka-blogs na in their 30s na. Baka maghihintay pa kako, may mga kailangan pang masinsin.^^

 

Nasabi ko, paglalakbay pabalik ang DPSA – babalikan ko ang lugar na pinagmulan at kasama noo’y tutuklasin na rin kung may natitira pang zest sa buhay. Kapareho rin ito sa concern ng maraming iba pang nagsusulat, sa tingin ko… Anupaman, ang findings sa usapin, nasa post na Kalsadang One-Way - inilathala noong Hulyo, 2011.

Ano ang pagtingin ng manunulat na blogger dito sa usaping sex? Mga kapatid, nasa sanaysay na Payapang Dagat, inilathala sa DPSA noong Hunyo ng 2011. Bakit nagsusumigaw na single - tanong nyo at tanong rin ng lola nyo rito. Ang sagot, nasa kailan huling nagpasya ang iyong puso? Sakaling mayroong mahilig sa writing interpretation – texts and subtexts – ando’n… ^^

Sa Mga Tahi at Paso, nakalagay ano na ang paniniwala ng lola nyo sa usapang pag-ibig nitong mga huling panahon… Panghuli, sa Ipamahagi ang mga Tuwa at Sakit, inilahad ang ugnayan ng pag-ibig at pagkamakabansa, ang koneksyon ng personal and social ties ng mga tao…

 

So far, sa mga sanaysay ko inilalagay ang mga personal na usapin – tungkol man sa pag-ibig o hindi – mga kapatid, hindi sa mga tula. … Kung mayroon mang nakakatuwaang mag-interpret ng mga  madamdaming tula – kasama na ang mga tula sa DPSA at SSA – hala pa,  e, di,  masaya… Basta ang payo ko, look at those works beyond sex, mga kapatid… Pag-ibig ang pangkalahatang framework, sabi. Bahagi lang nito ang sex. Kung yaan ang bilin sa totoong buhay, ganoon din wari ang maiging attitude sa pagbabasa at pagsusulat ng mga sulating puma-pag-ibig…^^

Saka, pag sa sex angle lang sinilip ang merit ng isang akda, baka kapusin… Sandaling lang ang ipagsasaya ng online conversations. Dangan kasimay balik  din… Ang mean, nasty and vicious na mga bitaw ng blogger daw ay makakaapekto mismo  sa kanyang productivity sa pagsusulat. Blog daw ang isa sa pinaka-narcissistic na device na nadiskubre – kung ano ang itinapon, siya ring babalik. Ayon… In this sense, we would all do well to send out love  –  not hate, not cruelty and not bitterness…  ^_^

 

Anyway, sa pagkaalam ko, halos lahat ng ka-blogs, mas maunlad ang love life kaysa sa lola nyo rito, naman… Ibig sabihin, mas marami kayong karanasang paghahalawan para makapagsulat ng maganda ukol sa pasaway na paksang pag-ibig, ahaha… Pagdating ng panahong mas marami na ang laman ng writer’s tools ninyo, nagkaroon na ng relative distance sa karanasan o natapos na sa pagiging overwhelmed, hehe, maisasatitik nyo ang mga naranasan sa pag-ibig  sa paraang malinaw, madamdamin at nakaka-antig – pramis . Gaano man iyon kasakit, kapait o katamis… ^^

 

Hayaan nyong sabihin ko sa inyo ngayon ang sinabi ko noon sa ka-blog na una kong sinulatan sa email, panahon pa ng DPSA – “I wasn’t writing that much or that well, when I was your age. Keep on writing.” ;)

 

 

Nananawagan

 

Kung makahuni ang ibon

akala mo ay anong saya

Kung makasikat ang araw

tila mundo, anong ganda

 

Kung makatawa ang kapitbahay

parang ang dali lang ng buhay

Kung makatalon ang bata

tila katiting na lungkot, wala

 

Kung humaplos ang hangin

tila gusto ka nang ‘akapin

Kung maglaro ang mga ulap

akala mo, ang dali lang mangarap

Image of playful clouds, one fine day

Magandang mangarap sa ilalim ng mga naglalarong ulap/ photography. nationalgeographic.com

 

Kung humalakhak ang ale

parang tawa ay nabibili

Kung humarurot ang dyipni

tila hinahabol ng tsuper ang sarili

 

Kung tumakbo ang panahon

parang minuto lang ang maghapon

Kung humampas ang mga alon

tila santambak na galit, itinatapon

 

Kung mangako ang buwan

parang pag-ibig, walang hanggan

Kung mangaral ang paham

parang madla, sya’y pinakikinggan

 

Kung magwaksi ka ng pagsuyo

tila laruan lang itong puso

Kung magtatapos rin sa paglalayo,

damdami’y huwag gawing biro. ;)

Nananawagan, inilathala sa DPSA                         (http://may11apr1940.wordpress.com),  Hulyo 2011