Hello, ka-blogs! Napansin ko, marami-rami ang sumisilip sa post na Madali raw magsulat? Ahaha, may pumapansin din naman, yihee… Anyway, sa akin, sign iyon, maraming ka-blogs ang interested alamin – paano makakapagsulat ng mas marami pa at mas magagandang sulatin. Saka, ano rin, siguro, para ma-confirm, maski ang gaya ng lola nyong medyo madalas mag-post, nahihirapan din sa gawain. Na hindi biro ang paghahayag at pag-abot sa mambabasa… We’re in the same boat, ika nga.
Sabi, walang formula o tiyak na hakbang para ang isang tao ay makapagsulat. Wala… Pero, huwag kayo, ang dami pa ring nagtatangka at sumusubok, ahaha. O, di ba? Ibig sabihin, kahit walang formula, maraming posibleng maisulat at pwedeng magsulat. Actually, alam nyo ‘yan. Karamihan sa ka-blogs, hindi naman sa pagsusulat ang larangan. Ang iba, ni hindi related sa trabaho o papel nila sa buhay ang pagsusulat – at all. Pero, nakakasulat. May naiisulat. At, magaganda pa nga, haha.
Narinig nyo na ‘yong madalas sabihin – Your life story is your most powerful tool? O, yun. Na kapag nahabi mo raw sa interesting at engaging na paraan ang iyong buhay – a compelling narrative – kaya mong mang-impluwensya ng iba. Makakayanan mo raw pagalawin ang ibang tao at baguhin ang sariling buhay. Ayon ang sabi… Na kapag naipaabot mo raw sa sangkatauhan ang pansariling kwentong buhay, para ka na rin – nakapagbuhat ng bundok, nakatawid ng dagat at nakapag-rewrite ng kasaysayan ng pamayanan. Ahaha, ayon ang mga sabi…
Paano naman ‘yon? E, ikaw lang ‘to. O, ako lang ‘to. Tayo lang ‘to…
Saka, sa marami sa atin, gusto lang nating ma-manage ang challenges ng pang-araw-araw na buhay – may pamalengke at pang-grocery, may enough amount of love, konting respect at ilang patak ng goodwill and neighborliness. Ayon, tama na ‘yon… Huwag na ang ma-impluwensyahan pa ang sangkatauhan, ang hirap kaya no’n? Bangayan nga lang sa loob ng pamilya, ang hirap nang i-manage, humanity pa, sus! Mag-lobby nga lang sa barangay para huwag sa may gate nyo padumihin ang aso ng kapitbahay, may nakaka-away pa. ‘Yun pa kayang impluwensyahan ang sangkatauhan? Susmaryosep… At hwag na nating isali pa ang national politics, enough na… ^^
Anyway, ba’t nga ba sinasabi nilang ganoon? Ba’t panay ang salespitch ukol sa power of the individual in this time and age? Tsows! Bakit, bakit?
Kasi raw, masyadong dominated ang scene ng malalaking institutions, malalalim at entrenched na habits and traditions, naglalakihang kompanyang may specialized rules and tenets, at, ng in-your-face na tri-media… Gagatiting na raw ang espasyo at boses para sa individual na tao, ang basic unit ng lipunan, hoho. Malakas raw masyado ang pressure para mag-standardize at maging uniform – sa kasalukuyan, sabi… Kailangan raw palabasin ang boses at hugisan ang mukha ng individual – para balansehin ang interes ng publiko at pribado. Sabi lang naman… ^^
So, iyon ang madalas sabihin sa atin ngayon sa iba’t ibang babasahin at panoorin – Tell us your story. Tell us your story, and if it speaks to us of our own lives – our joys, woes and experiences – it is as if we have lived. You can make a difference. Parang ganyan ang sabi, di ba? So, ayon, we take our cue from that… Subok tayo ngayon lahat magsulat sa online – sa blogs, ahaha. May -i-sulat tayong para nga namang interesting ang ating buhay, ahaha, as if may makikinig. And, lo and behold! Mayroon naman nga. At may mga natuwa pa, ahihi. So, sulat tayo uli, medyo feeling writer na, writer na blogger, shaks lang. Hanggang isang araw… Hanggang isang araw, natuyuan ang ating tinta, hakhak. Shaks lang, at doon at noon natin naisip – hala, di nga pala ganoon kadali ang magsulat. Kailangan nga pala, nag-i-employ ng brain cells, kainaman na…
At siyempre, sa mga ganoong pagkakataon, nakakanto na tayo at wala tayong gaanong magawa maliban sa – kagat-kagatin ang eraser ng pencil, tumipa-tipa sa keyboard at tuminga-tumingala sa kisame - tinatanong natin ang sarili bakit nga ba naumpisahan natin ito at bakit naniwala tayo kahit pansumandali sa salespitch na original ang ating kwentong-buhay, haha. Kung merong nakakaalam, higit sa lahat – kung gaano ka-boring ang ating so-called life – tayo mismo, ahaha. Pero, hindi tayo naggi-give up – kasubuan na ito, hihihi. So, susubok tayo uli, mula sa pinaka-trivial na kwento tungkol sa langgam na papalapit sa tasa ng kape sa desk, hanggang sa pagbati ng gwardya kaninang umaga at hanggang sa bagong work schedule na natanggap kanina lamang – lahat iyon, susubukang gawan ng kwento… Boring na kung sa boring – e, bakit? Basta, susubukan, malay mo… At malay naman nga natin, ahaha.
So, may ideya ba talaga tayo ng kung ano ang gusto nating sulatin? Kung saan sila manggagaling, kung paano natin sila isasalansan at pahihigpitin para gawing kwentong kapaki-pakinig naman, worth tapunan ng ilang sandali ng babasa, gawan nila ng panibagong kwento? Pwedeng meron… Pero, pwede ring wala. Pwedeng meron, na sa kalagitnaan ay nawala, haha. Pwedeng wala, na sa biglang pagpaling ng ulo, sumulpot at sumindi, parang bombilya – Eureka! Pwedeng merong malinaw dati, na noong tinatahi na natin, parang palabo ng palabo – sa tinamaan ng magaling na ‘yan… Pwedeng meron, nag-notes na nga tayo dati – tapos, noong sinisinop na natin ang notes, ayaw magkabit-kabit, shaks … May mga araw na wala talaga – sarado ang library ng ating utak at pakiramdam – next week na lang daw uli, on-leave ang librarian, hakhak.
So, ano nga uli ang ating huntahan? Kung saan at paano nanghuhuli ng mga ideya para sa panulat… Ewan ko, kanya-kanya nga siguro. Parang… Kayo ang magsasabi, di nga…. Sa DPSA pala, may naisulat ang lola nyo, Sukatin Mo ang pamagat – tungkol sa English and metric system at sa mga tradisyunal na panukat — dangkal, dipa at salop. May pagka-weird ang topic, haha. Anyway, November 2010 yata yaon nailathala. Kung paano dumating ang ideya ay ganire…
Pumunta kami noong Nob. 1 sa sementeryo, sa public cemetery sa aming bayan, ‘yong usual… Pagkakagaling namin sa mga puntod – dasal-dasal, kanta-kanta at update-update sa kamag-anak incorporated, ahaha – namimili kami sa may paglabas ng sementeryo. Ang usual na mga tinda roon, ay marami, haha. Ang madalas naming binibili, butse-butse at mga butil – paayap, kadyos at utaw (soya beans) na sariwa – dinadala pa-Maynila. Saka, minsan, sitaw… Anyway, ang napansin ko, kinikimis pa rin ng magtitinda ang sitaw para sukatin – isang pabilog na hawak – mga sampong sitaw ang laman. Isang kimis, a handful, sabi sa English… Ayon, na-compare ng lola nyo – ang layo ng sistemang kimis – sa style sa supermarket, tinitimbang at nila-label na lahat ng prutas at gulay. Ayon…

Kinikimis muna ang mga sitaw, bago tinatalian para ipagbili/ naturalherbalmedicinepinoy.blogspot.com
So, ganoon ka-weird at ka-ordinaryo ang instance, nag-precipitate ng isang sulatin – tungkol sa pwesto ng Pilipinas sa ISO standards, sa pandaigdigang kalakalan. A, e, siyempre, weird ang lola nyo…. Pati mga ganoon, napag-iisipan ng kung anu-ano, hakhak. Anyway, ang value sa akin ng nasabing sulatin, medyo malaki… Iyon yata ang unang post na social commentary. Kumumentari talaga, ahaha. Ay, hindi pala iyon pre-conceived post, hindi kasama sa originally pinag-isipan at ini-outline na mga paksa sa DPSA. Dahil nakitang kinikimis pa si sitaw, haha, at tinatakal pa sa maliliit na salop ang butil ng kadyos, sa may sementeryo sa bayan. Uncool, ano? Uncool ang lola, sabi sa inyo… Anyway, may pagka-academic ang treatment na kinalabasan ng Sukatin Mo. Mala-lecture, ahihi. Kaya, di na rin ako nagtataka, iniiwasan ng iba, parang subject lang sa eskwela, hakhak.

Nagtataka tayo madalas, saan galing ang ideya noong mahususay magsulat/ sweetbubbles14.wordpress.com
Anyway, dati, naikwento ko sa inyo, bilib na bilib ako sa dalawang bloggers – sina taympers at joyo. Maraming dahilan bakit nagagalingan ako sa pluma ng dalawang ito. Pero, isa na lang muna ang babanggitin ko ngayon – the ability of their pens to make things, people and events come alive. Ayon, ahaha… May isang naisulat dati si taympers, tungkol sa elementary days nya sa munting paaralan sa nayon. May flag ceremony ang kwento. Sa pagkakwento nya, parang nakita ko mismo ang flagpole sa harapan ko, as in… Tapos, ang kwento naman ni joyo na tumatak sa akin, isang rant post – kung pwede lang daw na ala-Juan Tamad, maghintay na lang na pumatak sa bibig ang bayabas. Pero, the way she told her story, parang naitsurahan ko mismo ang bayabas – sa harapan ko… At na-humble akong maigi noong binasa ko ang mga istorya nila… Naitanong ko sa sarili ——
“Saan kaya galing ang ideya nina ka-blogs para sa kanilang panulat?” Nakakainis sila, sa totoo lang.











